Monday, May 12, 2008

Sarvi, Sarvi

Deviating from the Norm! Am posting a survey! Thanks, Has!

1. Ano ang student number mo? Gusto mo ba ito?
~ 2007-19038! Yup, gusto ko siya... napaka...random. Nyeargh.

2. Magbigay ka ng tatlong course sa UP Diliman na hindi mo talaga alam kung ano ang pinag-aaralan nila. Pwedeng magbigay ng rason kung bakit.
~ sports science, L arch. just wondering if kailangang athletic ka para mag-aral ng sports sci. tsaka sa L arch, pwede rin bang magdesign ng bahay?

3. Meron ka bang araw na wala kang break? Anung technique ang ginagawa mo para makakain ka?
~ nooo. di ako mabubuhay pag walang break. nuh-uh, nuh-uh.

4. Alam mo ba kung saan ang Teletubby Land? [Yung totoo, bawal bumase sa pinagkuhanan ng survey na ito]
~ Yup! Nasa Math! Hahaha! ;D

5. Nakakita ka na ba ng nagpi-PDA? Sa AS? As in sa AS Entrance? In Broad Daylight? In front of many people? Ikaw ba yung gumagawa nun?
~ wala pa naman.

6. Naranasan mo na bang dumaan sa Beta Way? Kahit madilim na?
~ palagi aqng dumadaan dun. pero pag gabi, hindi na. reminder din yung 'memorial' dun na
hindi advisable tumambay dun after nightfall.

7. Alam mo ba na may 4th Floor ang FC?
~ wala ata. hanggang third floor lang. may rooftop ba?

8. Within the UP Campus, ano na ang pinakamalayo mong nalakad?
~ kalai to Math annex.

9. Nakakuha ka na ba ng Freshie Subject Combo Meal? [Geog1 + Comm3]
~ nope. ;(

10. Sa tingin mo, bakit concealed ang profs sa Math?
~ kasi walang mageenlist sa mga terror prof. or yung mga desperado lang.

11. Nakakuha ka na ba ng Math prof na out-of-this-world?
~ wala naman. pero yung prof ko ng Math17, mahilig sa transformers...

12. Natatakot ka ba sa tumutunog na kuryente sa tabi ng EEE building?
~ exciting nga eh. di ko siya napansin at first hanggang tinuro siya sa akin nung ECE friend ko...

13. Ilang individual libraries na ang napuntahan mo within Up Diliman? Isa-isahin.
~ main lib (ss, sils, gen ref, filipiniana), cal, educ, science, econ.

14. Nakanood ka na ba ng Oblation Run? At namukhaan na isa doon ay kaklase mo?
~ yup. timing na right after Math 100 siya. may mga classmates akong nakita... pero hindi yung tumatakbo. hehe!

15. Nakakita ka na ba ng Atenean na nakatambay sa UP Campus? At naki-sit in sa klase niyo?
~ tumambay oo. may id strap pa silang admu. pero sit-in sa class....

16. Nakakita ka na ba ng artista na nag-aaral sa UP? Saan?
~ richard gomez, sa cnb lobby for theater arts workshop. alessandra de rossi sa mang larry's isawan. bruce quebral at joaqui mendoza sa SC.

17. Sa tingin mo, ano ang pinakamahirap na subject sa UP?
~ math? kahit saan naman mahirap yun eh.... pero sa totoo lang, mahirap lahat ng subjects dito.

18. Alam mo ba na tumutunog ang Carillon?
~ yup. naririnig ko siya all the way from cal, habang nasa eng 12 class ako.

19. Nakapasok ka na ba sa College of Music? Kwento mo naman.
~ yup, voice lessons. nyahahaha.

20. Nagpapic ka na kay Oble? Kung oo, confident ka ba na gagraduate ka?
~ gusto ko sanang i-try pero.... wala akong kasama eh. misery loves company!

21. May College Shirt ka ba? Anu design?
~ econ? yup. yung batch shirt namin na may 'always in demand not enough supply'. tsaka yung defy convention shirt ng econ. pero masyadong malaki yun.

22. Naranasan mo na bang mag 1vs100 sa CRS?
~ yeaboi! pe, pe, pe!

23. Naglalaro ka ba ng Guess the Course/Spot that Freshie kapag wala kang magawa habang tumatambay sa AS? Isinasabay mo ba ang Girl/Boy Hunting sa larong ito?
~ guess the course, oo, pero habang nglalakad... boy hunting...? nah.

24. Nangungulekta ka ba ng Kule? Ano ang favorite section mo dito?
~ iniipon tapos pinapadala sa high school ko para mashock yung Sisters sa pagkaliberated ng mga isko at iska. haha. love ko yung return to sender tsaka yung txtbak.

25. Sino ang pinakastriktong guard sa UP na nakilala mo? Yung hindi mo talaga matakasan na wala kang ID?
~ yung lady guard sa math ;D

26. Nakukulangan ka pa ba sa ruta ng Ikot at Toki Jeep? Anung gusto mong ibahin sa ruta nito?
~ okay lang naman. naglalakad kasi ako so...

27. Natatakot ka ba sa mga tingin ng mga nangangampanya tuwing Elections? Bakit?
~ nakakatuwa nga sila eh. ;D

28. May bura ka na ba sa Form 5 mo? Anu yon?
~ yung mobile phone number ko. kailangan kasi sa econ. palaging kong nasusulat sa wrong place.

29. Nagkaprof ka na ba na laging wala sa klase tapos tinadtad kayo ng make-up classes sa end ng sem? Sino?
~ wala naman. pero palagi kaming nagmemake up classes sa math.

30. Alam mo ba kung saan ginagawa ang Blue Book? Gusto mo bang magventure sa business na ito?
~ erm. di na siguro. sa kanila nalang yan.... hindi ba sa up press? or sa out-of-school contact ng coop?

4 comments:

Anonymous said...

hi sandy! it's my first time here on your blogger blog. very cool.. friendster is so limited, isn't it?
i think the Ophelia thing is brilliant! at first i got confused about who Ophelia was but one of your previous blogs answered my questions.
anyway, good luck over there! i'll be sure to visit (your blog) more often! :)

Pinoy Wit said...

brilliant survey! hahaha

Anonymous said...

sa tingin ko tama ka. sa lahat ng school mahirap ang math. sa lahat ng planeta tingin ko mahirap pa din ang math eh.

Anonymous said...

ei friends! sorry late repz. am netless as of the mo. truly pitiful existence, sniff.

will be back soon. :D
thanks for dropping by!